DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad noong Huwebes, Mayo 11, ang iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang sa ika-70 taon na Agew na Dagupan o Platinum Year of Dagupan City.
Ang paglulunsad ng Agew na Dagupan ay kinabibilangan ng pag-alala sa pinagmulan ng Dagupan o ang Dagupan noon at ngayon o dagupan karuman, natan tan nabwas.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sa kasaysayan ng Dagupan muling aalalahanin ang mga pinagdaanang pagsubok ng siyudad, mula sa isang malawang sunog noong 1940 hanggang sa mapaminsalang lindol noong 1990 na sumira sa kalakalan.
Sa pamamagitan ng tulong ng Filipino Chinese Community at iba pang komunidad ay muling bumangon ang siyudad.
Ilan sa mga aktibidad na inilunsad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Platinum year ng siyudad ang:
- Platinum bae tan laki na ipinanganak noong june 20 1947
- Manlingkor ya kalangweran
- Pinablin Dagupan
- Writing Competition
- Kakanen trade fair
Nora Dominguez – EBC Correspondent, Pangasinan