Dahil sa kawalan ng pasok, make-up classes kailangan ayon sa DepEd

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Bunsod ng isang linggong bakasyon ng mga estudyante sa Metro Manila dahil sa Association of Southeast Asian Summit, kakailanganin ang pagsasagawa ng make-up classes.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ito’y upang makumpleto ng mga paaralan ang bilang ng araw na inilaan ng kagawaran para sa School Year 2017-2018.

Naglaan ang DepEd ng 195 na bilang ng araw ng pasok para sa School Year 2017-2018.

Gayunpaman, diskresyon na ng paaralan kung paano ipatutupad ang adjustments para sa make-up classes.

Sinabi ni Education Undersecretary Tonisito Umali na maaaring isagawa ng mga paaralan ang make-up classes tuwing Sabado.

Samantala, ang mga paaralang may isang shift lang kada araw ay maaaring pahabain na lamang ang class hours para sa make-up classes.

Related Post

This website uses cookies.