Davao City, Philippines — Nanumpa na bilang Mayor ng Davao City si Inday Sara Duterte-Carpio nitong Lunes, June 20, 2016, 9:00 ng umaga kay Judge Emmanuel Carpio sa RTC Branch 16. Habang si Paolo Z. Duterte naman ay nanumpa na rin bilang Vice Mayor ng Davao City sa harap ni Judge Rufino Ferraris, Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7.
Matapos ang nasabing panunumpa, nagpaabot din ng pasasalamat si Vice Mayor Paolo Duterte kay Judge Carpio at Judge Ferraris at ganon din sa lahat ng Dabawenyo sa pamamagitan ng kaniyang official Facebook Page.
Kasama ring pinasalamatan ang mga Dabawenyo dahil sa patuloy na pagsuporta at sa mga naniniwala sa kakayanan nila ni Mayor Inday Sara Duterte na pangunahan ang Lungsod ng Davao. Nagpaabot din ng mga pagbati ang supporters sa buong pamilya ng Duterte.
Napag-alaman na kompletong dadalo sa inauguration ni incoming President Rodrigo Duterte sa June 30, 2016 ang pamilya ng Duterte.
(Eagle News, Haydee Jipolan – Davao City Correspondent)
Photo Courtesy of Vice Mayor Pulong Duterte – Official Facebook Account