Naging matagumpay ang dalawang araw na pamamahagi ng natatanging polyeto ng Iglesia Ni Cristo na isinagawa sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Namahagi ang mga kaanib ng INC mula Luzon, Visayas at Mindanao kung saan kitang-kita ang kaisihan ng mga kapatiran.
Lahat ng kabahayan ay inabutan nila ng babasahing polyeto. Walang pinalagpas ang mga namahagi. Binigyan din nila ang mga tao sa bayan, palengke, baryo, mga tindahan at sa iba’t-ibang sulok pa ng mga probinsya. Maging government offices ay inabutan din ng mga ployeto.
Hindi alintana ng mga nakipagkaisa ang mainit na panahon. Kahit ang mga kaibayo sa pananampalataya ay binigyan ng polyeto at malugod din naman itong tinanggap ng mga nabigyan.
Mapabata o matanda ay naging bahagi ng aktibidad.
Ang pamahahagi ay kaugnay ng paghahanda sa gagawin malaking Pamamahayag ng Salita ng Diyos sa darating na Linggo, Mayo 22 na pangungunahan ni Kapatid na Eduardo V Manalo. , ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC.
Matatandaang noong Sept.26, 2015 nagsagawa na din ng malaking pamamahayag ang INC. Inaasahang dadagsa ulit ang mga bisita sa iba’t-ibang lokal ng INC kung saan sabay-sabay itong isasagawa.