Dalawang araw na seminar ukol sa anti-illegal drugs at crime prevention, isinagawa sa San Agustin, Isabela

8e7d9275-f7d1-47f6-b740-99614ea73a1f

SAN AGUSTIN, Isabela (Eagle News) – Bilang pakikipagkaisa sa kampanya ng Pamahalaan ukol sa kriminalidad at pagsugpo ng lumalalang suliranin sa iligal na droga, nagsagawa ng dalawang araw na Symposium on Anti-illegal Drugs at Crime prevention ang personnel ng San Agustin Police Station. Nagsimula ito noong Oktubre 11-12 sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rolando L. Gatan sa Bayan ng San Agustin, Isabela.

Isinagawa sa Dorganda High School, Barangay Laoag ang unang araw ng Symposium upang maipabatid sa mga mag-aaral ang kahihinatnan ng paggamit at pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot. Tinalakay ng Deputy Chief of Police ng San Agustin ang epekto ng ipinagbabawal na gamot. Kabilang rin sa tinalakay ang Executive Order No.18 ng Provincial Government na nagbabawal sa mga menor de edad na magmaneho ng single motorcycle upang maiwasan ang aksidente sa daan. Pagkatapos ng talakayan ay binigyang daan ang mga mag aaral upang masagot ang kanilang mga katanungan.

Symposium on Crime Prevention and Project Double Barrel naman ang tinalakay sa Barangay Panang. Dinaluhan ito ng ama ng bawat sambahayan at mga opisyales ng nasabing Barangay sa pangunguna ni Barangay Captain LoveJoy Santos. Patuloy pang hinikayat ang mga mamamayan na makipagtulungan sa pulisya upang pagtibayin ang lakas sa pagsugpo sa kriminalidad at suliranin sa droga.

Jeam Mendonez, EBC Correspondent, Isabela

53d27144-487d-4f14-ad1f-c28369171ff5 45153eb5-1dc0-44e5-87a6-34240da07d49 c68ed556-2fcf-434f-b5c6-1c2d7740d966 efd2473e-033a-49e7-9b87-9a99349ce712 f9d7f488-296d-4841-b448-3fe6c3ab1d05