TARLAC CITY (Eagle News) — Nabalewala ang pagpasok para makapag-bagong buhay ang dalawang drug surrenderee sa loob ng Bahay Pagbabago Reformation Center nang mahuli silang muli ng mga tauhan ng pulisya na nagdrodroga sa Tarlac City kamakailan.
Sa atas ni Police Supt. Bayani Razalan, hepe ng Tarlac Philippine National Police, na magsagawa ng surveillance sa mga drug personalities, natiyempuhan nina Police Insp. Wilhelmino Alcantara, tagapanguna ng Station Drug Enforcement Unit at ng kanyang mga tauhan, sina Vilmor Calma, 38, at Randy Pioquintio, 40, na nagpa-pot session sa bahay sa Dama De Noche St., Brgy. San Francisco.
Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet ng shabu, mga pinagbalutan nito at mga drug paraphernalia.
Nakuha rin sa pag-iingat ng dalawa ang mga deadly weapon at dalawang bala ng kalibre .45 baril.
Kinasuhan ang dalawa ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Deadly Weapons o RA 10592.
(Godofredo Santiago and Aser Bulanadi – Eagle News Correspondents)