Dalawang lane ng C5, bukas na para sa mga truck

Maaari nang dumaan sa dalawang lane ng C-5 road ang cargo trucks mula alas-dose(12:00) ng hating-gabi hanggang alas-kuwatro (4:00) ng madaling-araw.

Ito ay isang hakbang ng Metro Manila Development Authority upang matugunan ang dumaraming bilang ng mga sasakyan sa nasabing lansangan.

Ang mga truck na mahigit 4, 500 kilos ang timbang ay maaaring dumaan sa isang partikular na lane mula alas-diyes (10:00) ng umaga hanggang ala-singko (5:00) ng hapon at mula alas-diyes (10:00) ng gabi hanggang ala-sais (6:00) ng umaga.

Sa ngayon ay may one-lane truck policy na ipina-patupad sa C-5 at Katipunan.

Related Post

This website uses cookies.