Ni Nora Dominguez
Eagle News Correspondent
DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Pinakawalan na ang dalawang stranded na pawikan sa karagatan ng Bonuan, Binloc sa Dagupan City.
Pinangunahan ni Senator Grace Poe, Engr. Rosendo So ng abono Partylist at Dr. Westly Rosario ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Integrated Fisheries Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) ang pagpapakawala sa dalawang olive ridley sea turtle.
Ayon kay Sen. Poe nakakatulong sa pagbalanse ng ecosystem ang mga pawikang ito kaya dapat lamang silang ibalik sa wild.
Ayon naman kay Dr. Westly Rosario, BFAR Center Chief, ang dalawang pawikan ay nasagip ng San Fabian PNP at itinurn over ito sa BFAR.
“…nasagip ng San Fabian Police ang dalawang pawikan at itinurn over sa BFAR..”, pahayag ni Dr. Westly Rosario.
Noong 2011, nagpakawala ng mga pawikan sa Hundred Islands ang BFAR at maaaring ang dalawang ito ay kabilang sa mga naunang pinakawalan ng ahensya.
Ayon sa BFAR, ang dalawang pinakawalang pawikan ay common species na maaring alagaan subalit dapat lamang pakawalan ang mga ito sa karagatan para sa pagbalanse ng marine ecosystems partikular na ang pagpaparami ng sea grass at pag-control sa pagdami ng mga jelly fish.