STA. MARIA, Romblon (Eagle News) – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Romblon ang dalawang pawikan sa bayan ng Sta. Maria noong Martes ng umaga, March 7.
Ang nasabing pawikan ay nakuha sa isang hukay malapit sa dalampasigan ng Sitio Tuburan, Brgy. Concepcion Norte, Sta. Maria, Romblon. Ayon kay Benito Largueza na pansamatalang nag-alaga ng nasabing mga pawikan, nakita aniya niya ang mga ito sa hukay malapit sa kanilang bahay kaya inalagaan niya ito at pinakain ng isda.
Ayon Kay Engr. Raymundo Inocencio, Provincial Environment and Natural Resources Officer, ang pagkakakilanlan aniya sa dalawa ay green sea turtle at hawksbill sea turtle. Ang nasabing pawikan ay endangered species kaya agad itong pinakawalan ng mga awtoridad sa dagat para bumalik sa kanilang natural habitat.
Renand Pastor – EBC Correspondent, Romblon