Dalawang prototype na evacuation center, uumpisahan nang ipatayo sa probinsya ng Cagayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (Eagle News) – Dalawang prototype na evacuation center ang inuumpisahan ngayong itayo sa lalawigan ng Cagayan.

Ang isang evacuation center ay itatayo sa Barangay Bangag, Lal-lo at ang isa naman ay sa  Tuguegarao City.

Ayon kay  Bonifacio Quarteros, head ng Provincial Climate Change Disaster and Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO), ito na ang magandang klase ng evacuation center na maitatayo sa bansa na may lawak na 3,000 square meters at nagkakahalaga ng mahigit kumulang  Php 32 milion.

Ayon pa sa nasabing opisyal, malaking tulong ang maibibigay nito sa mga mamamayan lalo na kapag may malakas na bagyo sa lalawigan.

Ito ay sapagkat may pagdadalhan nang malaking lugar para sa mga ililikas sa kasagsagan ng kalamidad.

Johnny Ezra – Eagle News Correspondent

 

 

Related Post

This website uses cookies.