BIÑAN City, Laguna (Eagle News) — Bilang pagtalima sa programa ng Philippine National Police laban sa illegal na droga ay tumanggap ng Gawad Pagkilala sina Rizal Provincial Director Senior Supt. Adriano Enong at Taytay MPS Supt. Samuel Delorino dahil sa dami ng sumuko sa kanila na mga drug users at drug pusher.
Ipinagkaloob sa kanila ang nasabing pagkilala kasabay ng okasyong “Ako at Pulisya laban sa Illegal na Droga”. Ginanap ito sa Alonte Sport Arena sa Biñan City, Laguna. Kasamang dumalo ang voluntary surrenderres sa bawat barangay at nangakong titigil na sa ilegal na gawain at patuloy na magbabagong buhay.
Ginawaran din ng Certificate of Recognition si Brgy. Chairman Buboy Sauro ng Brgy. San Isidro ng Bayan ng Cainta, Rizal isa sa mga barangay na pinakamaraming napasuko na drug dependent user/pusher.
Sa huli ay pinuri at pinasalamatan ni PDG Bato Dela Rosa ang lahat na police at barangay opisyal ng buong CALABARZON REGION 1V-A, na buong pusong sumusuporta sa programang Oplan Tokhang at Double Barrel, upang maalis na sa buong bansa ang sindikato ng ilegal na droga.
Courtesy: Edna Gamba