URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) — Dalawang vote counting machines o VCM ang naiulat na pumalya sa isinagawang final testing and sealing sa Urdaneta City, Pangasinan
Ang nasabing mga VCM ay galing sa Barangay San Vicente at Barangay Oltama.
Ayun kay Election Assistant II Rosalie Ramos, pinapalitan na ang mga VCM dahil hindi gumagana ang scanner nito, dahilan para hindi tanggapin ng makina ang mga ipinapasok na balota.
Dagdag din ni Ramos, aniya ay may tatlo pa silang contingency machine na nakaantabay kung sakaling may hindi gagana na mga VCM sa nasabing lalawigan.
Maliban sa dalawang VCM ay wala ng ibang naging aberya sa final testing and sealing nito.
(From Eagle News Correspondents Jericho Jade Madolid and Rusell Failano, Eagle News Service Pangasinan)