Dansalan College na ginawang kuta ng Maute Group, nabawi na ng militar

MARAWI CITY, Lanao del Norte (Eagle News) – Nabawi na ng militar ang Dansalan College na ginamit bilang stronghold ng Maute Terror Group sa Marawi City.

Isang buwan ding inokupahan ng mga terorista ang nasabing eskwelahan.

Sinunog pa nila ang ilang bahagi nito nang una nilang salakayin ang lungsod.

Ang eskwelahan ay nagsilbing pwesto sa mga sniper at mga humahawak ng machine gun sa panig ng mga terorista.

Ayon kay Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera, ilang armas ang nabawi nila sa nasabing paaralan.

Narekober din ng militar ang labi ng isang terorista na mukhang dayuhan.

Related Post

This website uses cookies.