Dating pangulong Aquino, pinadadalo sa imbestigasyon ng Kamara sa Dengvaxia issue

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inimbitahan muli ng Kamara si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na dumalo sa pagdinig ukol sa isyu ng Dengvaxia.

Sakaling dumalo sa imbestigasyon ng Kamara, ito na ang ikalawang beses na magbibigay ng testimonya si Aquino matapos dumalo sa pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersiya.

Sa pagdinig na isinasagawa ng house committees on good government and public accountability and health, sinabi ni Buhay Party-List Rep. Lito Atienza na tanging si Aquino lamang ang makapagbibigay linaw ukol sa pagbili at distribusyon ng Dengvaxia vaccines.

Sa kanyang mosyon, iginiit ni Atienza na nais nilang malaman ang mga tunay na isyu sa likod ng mga bakunang ito.

Partikular na aalamin ay kung paano nagkaroon ng pondo para sa dengvaxia at kung plinano ba ito para sa halalan.

https://youtu.be/xAX2YrG3hIY