(Eagle News) — Walang plano si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tumakbo sa kahit na anong posisyon sa mid-term elections sa susunod na taon.
Ayon kay Aquino, maaaring gumawa ng paraan ang kanilang mga kaaway sa pulitika upang hindi manalo sakali mang tumakbo siyang muli sa anumang posisyon.
Aniya, marami nang isyu na dala ang mga troll sa social media at batikos sa kaniyang naging pamamalakad sa gobyerno.
Sa halip, tutulong na lamang aniya siya na ikampaniya ang mga pambato nilang mga kandidato sa darating na eleksyon.