Dating Sen. Marcos, naiinip na sa takbo ng recount ng kaniyang poll protest

(Eagle News) — Dalawang taon na ang nakalipas matapos magsumite ng electoral protest si dating Senador “Ferdinand” “Bongbong” Marcos Jr., sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Dahil dito naiinip na umano ang kampo ng dating senador sa resulta ng kaniyang electoral protest na kasalukuyang gumugulog sa pamamagitan ng manual recount sa tatlong unang probinsiya na kanilang napili na isailalim sa recount.

Sabi ng dating senador, masyado nang mahaba ang dalawang taon para paghintayin ang taong bayan sa totoong nanalo bilang bise presidente ng bansa.

Kinamusta rin ng dating senador ang mga supporter nito na ilang buwan na ring nag vi-vigil sa harap ng Korte Suprema.

Batid ng dating senador na maraming trabaho ang PET mula sa naglalakihang issue na dapat maresolba.

Gayunpaman kahit naiinip handa anila silang maghintay sa ilalabas na resulta ng PET sa kanilang electoral protest upang lumabas ang katotohanan.

“Medyo busy today ang SC sa maramimg issue mahirap mag-estimate baka matagalan pa. We are hoping to help to find ways to para mapadali ito,” pahayag ng dating senador.

Samantala, isang sulat naman ang ipinarating ng ilang taga-Bicol sa PET nitong Martes, Mayo 9.

Sa sulat ng Trinity Mayu at Irene Salbibit hinihiling nila sa PET na isama ang 25 percent shading na balota sa recount na ginagawa ngayon.

Matatandaang nagsumite rin ng motion for reconsideration ang kampo ni Vice Preaident Leni Robredo sa PET kaugnay sa pagpapatupad ng 25 percent shading threshold matapos ibasura ng PET ang kanilang kahilingan noong Abril.

 

Related Post

This website uses cookies.