Dating Senador Tatad, at law dean Valdez, i-aapela ang SC decision kay Poe

(Eagle News) — Maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ng mga pribadong petitioners laban sa naging desisyon ng Korte Suprema na payagan kumandidato sa pagka- pangulo si Senadora Grace Poe.

Ayon kay Atty.  Manuelito Luna, abogado ng petitioner na si dating senador Francisco “Kit” Tatad, ia-apela nila sa lalong madaling panahon ang desisyon ng Korte Suprema.

Iginiit ni Luna na hindi mas mataas sa konstitusyon ang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Dating University of the East College of Law dean Amado Valdez (Eagle News Service)

 

Binatikos din ng isa pang petitioner na si dating University of the East College of Law dean Amado Valdez ang Korte Suprema sa pagpabor sa petisyon ni Senadora Grace Poe.

Sa panayam ng programang feedback ng Radyo Agila, sinabi ni Dean Valdez na mahirap paniwalaan kung paano binaligtad ng mga mahistrado ang judicial precedents.

Sisilipin daw ni Valdez ang desisyon ng mayorya ng Supreme Court justices kung mayroon nangyaring betrayal of public trust.

Related Post

This website uses cookies.