(Eagle News) — Pumanaw na si dating Senate President Jovito Salonga ngayong araw, Huwebes, Marso 10 sa edad na 95.
Napag-alamang isinugod sa Philippine Heart Center si Salonga kagabi na nasa malubhang kalagayan na at nakumpirma namang binawian na ng buhay kaninang alas-tres ng hapon.
Nakilala si Salonga bilang isa sa mga lumaban sa pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at nagtanggol sa mga political prisoner na ikinulong sa kabila ng kawalan ng reklamong isinampa laban sa kanila.
Matatandaan ding si Salonga ay nanguna sa Philippine Commission On Good Government pagkatapos ng martial law; naging Senate President mula 1987 hanggang 1991; nahalal bilang senador noong 1965, 1971, at 1987; at tumanggap ng 2007 Ramon Magsaysay Award.