Ni Haydee Jipolan
Eagle News Service
(Eagle News) – Pinasalamatan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang United States Agency for International Development o and USAID sa tulong at suporta nila sa City Government of Davao, sa Davao City Health Office, sa Department of Health, at sa Southern Philippines Medical Center na tumanggap ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) na kanilang ibinigay.
Matatandaan na kamakailan lang ay nagpadala si US Ambassador Sung Kim ng hygiene kits na donated ng USAID at personal protective equipment na ibinigay ng US Defense Threat Reduction Agency kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio upang makatulong sa lungsod sa laban nito sa COVID-19.
Nagbigay din umano ng 1,450 hygiene kits ang isang American company. Malaking tulong ito lalo na sa mga frontliners na walang tigil sa kanilang mga trabaho. Isang paraan din ito upang mapagsilbihan nang maayos ang mas nangangailangan lalo na sa patuloy na paglaganap ng COVID-19.
(Eagle News Service)