DBM, naglabas ng Php 24.49-B na cash grants para sa mahihirap na pamilya

MANILA, Philippines (Eagle News) — Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng pondong nagkakahalaga ng P24.49 bilyon  para sa cash grants ng mga mahihirap na pamilya at indibidwal.

Ayon sa DBM, inilabas ang nasabing halaga sa ilalim ng tax reform cash transfer project ng Department of Social and Welfare and Development (DSWD).

Layon ng nasabing programa na magkaloob ng cash grants sa mga mahihirap na pamilya at indibidwal na hindi makikinabang mula sa lower income tax rates pero labis naman na maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Una nang sinabi ng gobyerno na magkakaloob ito ng Php 200 kada buwan na subsidiya sa sampung milyong households para matugunan ang epekto ng mas mataas na presyo ng bilihin.

https://youtu.be/6lnpUjpjV04