De Lima at Barangay Kagawad, kinasuhan sa Ombudsman ng Albuera Police Chief

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinasuhan sa Ombudsman ni Albuera Police Chief Jovie Espenido si Senadora Leila De Lima at isang barangay kagawad dahil sa umano’y pagtanggap ng drug money.

Ayon kay Espenido, tumanggap sina De Lima at nasabing barangay kagawad ng Payola mula kay suspected drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sinabi ni Espenido na ang pagsasampa ng kaso laban kina De Lima ay resulta ng serye ng imbestigasyon at panayam sa ilang tao na may alam sa mga aktibidad ni Kerwin Espinosa.

Mula sa mga nasabing imbestigasyon aniya ay nadiskubre ang ilang personalidad na umano’y tumatanggap ng Payola mula sa batang Espinosa.

Mariin namang pinabulaanan ni De Lima ang paratang ng pagtanggap niya ng drug money mula kay Espinosa.

Related Post

This website uses cookies.