Death threats para kay Pangulong Duterte, hindi binabalewala – PNP

(Eagle News) — Hindi raw binabalewala ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y mga banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte maging lokal man o mula sa international community.

Noong weekend, mismong ang Pangulo ang naghayag na pinagpaplanuhan umano siyang ipapatay ng Central Intelligence Agency ng United States.

Banta sa buhay ni Pangulong Duterte, mula sa drug lords, mga rebelde at terorista – PNP Chief Albayalde

Base sa kanilang nakakalap na intellegence report, nagmumula raw sa iba’t ibang grupo ang banta sa buhay ng Pangulo.

Kabilang na rito ang banta mula sa mga drug lord mga rebelde at terorista.

Bukod dito may report din daw na natanggap ang PNP na may ilang aktibo at retiradong opisyal ang nagbabanta sa buhay ng Pangulo.

May listahan na raw sila ng pangalan ng mga nasabing opisyal, pero hanggang sa ngayon patuloy pa anila nila itong bina-validate.

Sa harap nito, muli namang tiniyak ni Albayalde ang solidong suporta ng PNP kay Pangulong Duterte at sa buong administrasyon nito. (Mar Gabriel)