By Mar Gabriel
Eagle News Service
(Eagle News) — Personal na binisita ni Philippine National Police PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Custodial Center sa Kampo Aguinaldo kung saan pansamantalang nakakulong ang mga high profile inmates na tumestigo sa pagdinig sa kongreso kaugnay ng illegal drug trade sa Bilibid.
Sa harap na rin ito ng lumabas na alegasyon hinggil sa umano’y special treatment sa mga bilanggo.
May nakapasok na raw kasing aircon, TV, at iba pang gamit na hindi dapat na makapasok sa bilangguan.
Hindi na pumasok sa bilangguan si Dela Rosa, pero ipinatawag nya ang team leader ng Special Action Force na nagbabantay sa pasilidad.
“Totoo ba na may contraband? Sabi nila wala naman daw. Kung may makapasok naman di sa kanila desisyon. Kung may maipasok man o ano.
That is sa DOJ,” sabi pa ni PNP chief, na tinutukoy ang responsibilidad ng Department of Justice.
Bukod sa SAF, nakabantay rin sa lugar ang ilang tauhan ng Philippine Army at mga tauhan ng Bureau of Corrections na silang nangangasiwa sa lugar.
Sa harap nito, inamin ni AFP chief of staff Gen Eduardo Año na sa kanila galing ang report ukol sa pagpasok ng kontrabando sa lugar.
Nakita raw ito ng kanilang mga tauhan sa regular na inspeksyon na ginagawa sa pasilidad
“As part of our job ,we made some observation and investigations and the appropriate measure and course of action thru the proper authority like BUCOR and DOJ. And we believe the had made also appropriate actions already,” sabi ni Año.
Sa harap nito ipinagtanggol namn ni Año ang Special Action Forces (SAF) at mga tauhan ng Army na nagbabantay sa lugar.
“Per agreement, SAF and BUCOR manage the custodial center. BUCOR is in charge in running that custodial center. In fairness sa SAF, ang trabaho nila is to secure para hindi sila maka-escape. Wala kinalaman kung ano man pumapasok doon,” sabi pa ni Año.
Gayunman…magiimbestiga pa rin daw ang PNP para matiyak na wala talagang nagawang pagkukulang ang SAF sa pagpasok ng mga kontrabando sa kulungan.