Mar Gabriel
Eagle News Service
Nakahanda na umano si outgoing Philippine National Police chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang susunod na assignment sa Bureau of Corrections (BuCor) bagaman wala pang official appointment order para rito.
Kumpiyansa si Dela Rosa na magtatagumpay siya sa BuCor oras na italaga na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, may babala din si Dela Rosa sa mga patuloy na gumagawa ng katiwalian sa nasabing ahensya.
“Kung may gumagawa pa ng connivance sa drug lords, stop it before I will stop you,” pagbibigay diin ni Dela Rosa.
Samantala, isang linggo bago ang kanyang tuluyang pagbaba sa puwesto, pinayuhan ni Dela Rosa si incoming PNP chief Oscar Albayalde na patuloy na mahalin ang kanyang mga tauhan.
Ayon kay Dela Rosa, kung hindi maiiwasang saktan ang kanilang mga tauhan na nagkakamali, kailangan pa rin daw iparamdam ni Albayalde sa mga ito na mahal nya ang kanyang mga tao.
“Pagkautos mo sa tao mo, pep talk mo rin para maintindihan nila,” ayon kay Dela Rosa.
Sa ika-19 ng Abril naman isasagawa ang change of command ni Dela Rosa at Alabayalde sa Kampo Crame na nakatakdang pangunahan ni Pangulong Duterte.