Mar Gabriel
Eagle News Service
Ininspeksyon ni Bureau of Corrections Director Ronald Dela Rosa ang selda ng walong New Bilibid Prison inmates na nakakulong sa detention facility ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay Dela Rosa, nais niya kasi matiyak na mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa mga inmate kahit pa nagsilbing state witness ang mga ito sa imbestigasyon sa umano’y illegal drug trade sa NBP.
Kung gaano raw dapat kahigpit ang seguridad sa mga nasa Building 14 at maximum security compound sa Bilibid ay ganun din kahigpit ang seguridad sa walo upang hindi na makapagtransakyon ng illegal na droga.
Kabilang sa mga nakakulong sa nasabing pasilidad sina Herbert Colangco, Robert Durano, Jerry Pipino, Noel Martinez, Gernan Agojo, Jaime Patio, Thomas Donina at Rodolfo Magleo.
Matapos ang mahigit dalawang oras na inspeksyon, kontento naman daw si dela.rosa sa seguridad na ipinatutupad ng AFP, Philippine National Police-Special Action Force BuCor.
Sa kasalukuyan nasa 50-60 daw ang nagbabantay sa walong inmate kaya imposible na makagawa pa ng ilegal ang mga ito.
Kinausap din daw ni Dela rosa ang mga inmate ay nagbigay ang mga ito ng mga suhestyon kung paano tutuldukan ang problema sa ilegal na droga sa Bilibid.
Tumanggi naman si Dela rosa na sabihin ang mga suhestyon pero gagawin niya daw ito.
“Gagawin ko yun..coming from the mouth of a reformist,” pahayag niya.