Dela Rosa, tuloy na sa pangunguna sa PNP

PC/Supt. Ronald dela Rosa

(Eagle News) — Matapos ang ilang araw na alingasngas, tuloy na ang pag-upo ni PC/Supt. Ronald dela Rosa bilang susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) matapos siyang kausapin ni President-elect Rodrigo Duterte hinggil dito.

Ayon kay Dela Rosa, nagpapasalamat aniya siya at inihayag nito ang pagnanais na maranasan din ng lahat ng kapulisan sa buong bansa ang aniya’y pangungunang naranasan nila mula kay Duterte.

Miyembro si Dela Rosa ng PMA Sinagtala class of 1986 at kasalukuyang Executive Officer ng Human Resources Doctrine and Development ng PNP.

Naging Police Director din ng Davao City si Dela Rosa mula January 2012 hanggang October 2013.

 

Related Post

This website uses cookies.