MANILA, Philippines (Eagle News) — Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na pwede pa ring ipapalit ang mga lumang perang papel ng bansa hanggang sa Marso ng susunod na taon.
Orihinal na itinakda ang petsa ng demonetization sa December 31, 2016.
Ayon pa sa BSP, ang lahat ng lumang salaping papel ay iniimbentaryo.
Hanggang nitong 2015, nasa mahigit pitungdaang milyong piraso ng lumang peso-bill ang nasa sirkulasyon pa na nagkakahalaga ng higit 184-billion pesos.