(Eagle News) — Tumaas ang bilang ng mga nagkakaroon ng dengue sa bahagi ng Central Visayas at Caraga Region sa unang dalawang buwan pa lamang ng taong 2019.
Ayon sa Department of Health Region 7, sa 2,132 cases, 14 na ang namamatay dahil sa dengue noong Enero habang apat naman ang naitala sa pagpasok pa lang ng buwan ng Pebrero.
Bukod rito, naitala naman sa DOH Region 13, mula sa 2,535 na dengue cases na kanilang naitala, nasa walo ang naitalang patay.
Inaasahan nilang tataas pa ito sa mga susunod na araw.
Ito’y mas mataas ng 154 percent o dumoble kumpara sa naitala noong nakaraang taon.
https://youtu.be/n0EEj38eZrM