Dengue Outbreak idineklara sa Busuanga, Palawan

AGOSTO 7 (Agila Probinsya) — Nagdeklara na ng Dengue Outbreak sa bayan ng Busuanga sa Palawan. Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa nasabing lalawigan kung saan isa na ang namatay habang siyamnapu ang naospital.

Karamihan sa mga dengue patient ay nasa mga ospital sa Coron at Culion.

Sa ulat ng Municipal Health Office ng Busuanga, mula nitong Pebrero ng taong kasalukuyan lamang umabot sa mahigit isang-daan ang naitala nilang nagkasakit ng dengue sa kanilang bayan.

Karamihan umano ng mga kaso ng dengue ay mula sa barangay ng Salvacion habang may apat na iba pang barangay na minomonitor.

This website uses cookies.