Dengue Symposium isinagawa sa Mabalacat, Pampanga

AGOSTO 11 (Agila Probinsya) — Isang “Dengue Symposium” ang isinagawa sa isang covered court ng isang paaralan na dinaluhan ng may 500 estudyante at mga magulang. Pinangunahan ito ng City Health Office at City Schools Division ng lungsod ng Mabalacat.

Ang tema ng pagtitipon ay “Iwas Dengue”. Ipinaliwanag ni Dr. Freddie Anunciacion, Rural Health Physician ng PHU II ang apat na pamamaraan kung paano massugpo ang pagkalat ng dengue sa mga paaralan.

Apat na pamamaraan kung paano masusugpo ang pagkalat ng dengue sa mga paaralan:

1. Hanapin at puksain ang pinagmumugaran ng mga lamok gaya ng lumang gulong ng sasakyan, alulud ng bubong ng bahay, mga itinapon na mga bote, flower base at iba pang mga bagay na nalagyan ng malinis at hindi kumikilos na tubig.

2. Magsuot ng shirts na may mahabang manggas at pantalon. Gumamit ng mosquito repelants lalo na kapag araw upang makaiwas sa kagat ng mga lamok na ito.

3. Kaagad na magpatingin sa isang manggagamot kapag may senyales ng lagnat at rashes sa katawan.

4. Ang hindi pagsasabi ng walang ingat na pagpapa-usok para lipulin ang mga lamok, liban na kung may dengue outbreak.

Ayon pa kay Dr. Anunciacion ang dengue ay isang virus na nakukuha kapag nakagat ang sinoman ng isang babaeng lamok na tinatawag na ‘aedis aegypti’. Ang mga lamok na ito ay mabilis dumami kapag panahon ng tag-ulan gaya ngayon.

Ang mga lamok na dengue ay lumalabas mula ika lima ng umaga hanggang ika-apat ng hapon. Liban sa lagnat at pagkakaroon ng rashes, ang iba pang sintomas ng dengue ay pagdurugo ng ilong at gilagid, pagsakit ng tiyan at pagbaba ng blood pressure.

(Agila Probinsya Correspondents Ener Ocampo, Jo Ann David)

Related Post

This website uses cookies.