Dennis Trillo at Solenn Heusaff, pinangunahan ang mga biker sa “Trip: Lakbay2Love” Outdoor Premiere Night

Hinahanap hanap natin ang isang pelikulang love story na, may advocacy at inspirasyon pa. Iyan ang taglay ng pelikulang “Lakbay2Love” na pinagbibidahan nina Solenn Heusaff at Dennis Trillo.

Kalimitan nating pinapanuod ang premiere night ng isang pelikula sa loob ng mga sinehan. Subalit kakaiba ang ginawa ng Erasto Films sa Lakbay2Love. Ginanap ang outdoor premiere screening nito sa ground ng Quezon Hall Ampi-Theater ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Pinangalanan nila ang event na ito na Trip”.

Pero bago yan, sa pakikipagtulungan ng up bike share at firefly brigade, isang nakaka-excite na bicycle group ride muna sa loob ng UP campus ang ginawa ng mga audience at nakiisa dito sina Dennis at Solenn.

Ang highlight ng gabing iyon ay raffle ng mga trek bicycles na ginamit nina Dennis at Solenn sa pelikula na may sign ng dalawa. Nagkaroon din ng mga performances mula kay Mr. Joey Ayala, Gig Manila at siyempre sa dalawang lead casts ng pelikula. Kaya nagmistula din mini-concert ito.
Ang “Lakbay2Love” ay ang first biking feature film ng ating bansa. Ito ay rated “G” or “General Patronage” ng MTRCB at nakakuha naman ng grade A sa Cinema Evaluation Board.

Mapapanuod na ang Lakbay2Love sa mga sinehan at movie theaters simula Feb. 3 nationwide.