DENR, bumuo ng task force laban sa mga iligal na minahan

(Eagle News) — Bumuo ng isang task force si Environment Secretary Roy Cimatu laban sa illegal o small-scale miners.

Isinisisi ni Cimatu sa mga illegal miner ang pagkasira ng kalikasan.

Ayon naman kay Chamber of Mines of the Philippines Chairman Gerard Brimo, maayos na ngayon ang ugnayan sa pagitan ng DENR at grupo ng mga minero kumpara noong mga nakalipas na taon.

Bukod umano kasi sa pag-adopt ng Mineral Association of Canada’s o MAC mining standards, lumagda din ang COMP sa “Baguio declaration,” isang commitment para sa responsible minerals development sa bansa.

Matatandaang una nang hinimok ni Cimatu ang mga mining industry na tumulong sa national development sa bansa upang mapangalagaan ang kalikasan.