(Eagle News) – Hindi tatanggapin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang anumang panukala upang mapagbigyan ang hiling na makapagtayo ng isang underwater park sa Palawan.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, malabong aprubahan ng gobyerno ang planong pagtatayo ng Coral World Underwater Park.
Bukod dito, napakarami aniyang mga papeles ang kanilang aayusin upang tuluyan silang payagan na matuloy ang proyekto.
Pinagdiinan ito ni Leones kasunod ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan na mapangalagaan ang likas na yaman ng ating bansa.