(Eagle News) — Maglalabas ng mga patakaran ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang muling baguhin ang sektor ng pagmimina sa bansa.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ito ay upang makinabang ang publiko sa mining sector nang walang naikokompromiso.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sila sa mining companies sa plano ng ahensya na baguhin ang sektor ng pagmimina.
Ang nasabing hakbang ng ahensya ay kasunod ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang estado ng mga mining company.