DENR, makikipagtulungan sa MWSS at pribadong sektor para sa malinis na suplay ng tubig sa M. Manila

METRO MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakipagtulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at pribadong sektor para patuloy na masuplayan ng malinis na tubig ang Metro Manila.

Sa pamamagitan ito ng pagsasaayos ng Mwss sa sewerage systems at sanitation services nito upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Alinsunod ito sa mandatong inilabas ng Korte Suprema noong 2008, kung saan, ang MWSS ang isa sa mga ahensya ng gobyerno na maglilinis, mag-rerehabilitate, at ipe-preserba ang Manila Bay at mapanatili ang Class B o SB level na magagamit sa ilang contact recreation.

Kaugnay nito, inatasan ng SC ang MWSS sa magbigay sila ng listahan ng mga lugar na walang wastewater treatment facilities sa Metro Manila, Rizal at Cavite upang makumpleto na ito bago ang 2037.

https://youtu.be/hgoh-8iDedk