(Eagle News) — Muling i-re-restore ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ecosystem sa Boracay Island.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, i-re-recover nila ang nawawalang wetlands sa isla.
Apat sa siyam na existing wetlands sa Boracay ang kabilang sa priority recovery list.
Nakatayo aniya sa apat na wetlands ang mga residential structure at commercial building na nagdudulot ng polusyon sa tubig ng Boracay.
“We have to find a place for them to be relocated. We will recover the wetlands because this is like the kidneys of the island. But before we ask them to leave the wetlands, of course we have to find a relocation site for them. This is one of the things that we are going to do after the six-month closure,” pahayag ng kalihim.
Paliwanag pa ng kalihim, maghahanap muna sila ng relocation site para sa mga maapektuhan.
Ang wetlands ay nagsisilbing natural water storage at water filters na nagkakaloob ng habitat para sa mga aquatic plant, isda at wildlife.
Samantala, sinabi rin ni Cimatu na nakatuon ang ahensya sa pagpapabuti ng sewerage systems sa isla.
April 26 nang magsimulang pansamantalang isara ang isla para bigyang daan ang rehabilitasyon nito. (Aily Millo)