PALAWAN (Eagle News) — Personal na ibinigay ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa Nickel Mining Corporation ang kanilang show cause order at Notice of suspension for tree cutting permit at earth bulling nitong Linggo (Mayo 21).
Ito ay upang tuluyan ng matuldukan ang ginagawa ng kontrobersyal na large scale mining company na pamumutol ng nasa mahigit 15, 000 puno sa bayan ng Brooke’s Point.
Ang show cause order na pirmado ni OIC Denr Regional Director Natividad Bernardido ay isinilbi kay Fernando Lebatique ng Ipilan Nickel para pagpaliwanagin kung bakit hindi ito dapat sampahan ng kasong paglabag sa Philippine Decree (PD) 705 o Forestry Code Of The Philippines habang ang notice of suspension for tree cutting at earth bulling permit naman ay nangangahulugang hindi na maari pang mamutol ng kahit na anong klase ng puno ang kumpanya.
Kaugnay nito ay binigyan lamang ng tatlong araw ng DENR ang Ipilan Nickel Mining Corporation para magpaliwanag na nagsimula naman kahapon ng matanggap ng mga ito ang show cause order.
Rox Montallana, EBC Correspondent