PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Personal na isinilbi noong Sabado, Mayo 20 ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang show cause order at Notice of Suspension for tree cutting permit at earth bulling laban sa suspendidong minahan na Ipilan Nickel Corporation. Kasama ni Cimatu si DENR undersecretary Marlon Mendoza, DENR Re-Director Natividad Bernardino at iba pang Law Enforcement Agencies.
Ito ay upang tuluyan ng matuldukan ang ginagawa ng kontrobersyal na large scale mining company na pamumutol ng nasa mahigit 15,000 puno sa Brooke’s Point, Palawan.
Ang show cause order na pirmado ni OIC-DENR Regional Director Natividad Bernardido ay isinilbi kay Fernando Lebatique ng Ipilan Nickel para pagpaliwanagin kung bakit hindi ito dapat sampahan ng kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines. Ang notice of suspension for tree cutting at earth bullying permit naman ay nangangahulugang hindi na maaari pang mamutol ng kahit na anong klase ng puno ang nasabing kumpanya.
Kaugnay nito ay binigyan lamang ng tatlong araw ng DENR ang Ipilan Nickel Mining Corporation para magpaliwanag na nagsimula pagkatapos matanggap ang show cause order.
Rox Montallana – EBC Correspondent, Puerto Princesa City, Palawan