MANILA, Philippines (Eagle News) – Pinatitiyak ngayon ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kailangang sapat ang suplay ng isda sa pamilihan sa bansa. Kasunod ito ng direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking sasapat ang mga ibinebentang isda sa mga palengke partikular na ang bangus at tilapia.
Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa DENR at BFAR na tanggalin na ang mga Fish Pens sa Laguna Lake para hindi maapektuhan ang mga maliliit na mangingisda na manghuhuli sa palibot ng lawa. Ayon pa kay Sec. Piñol na tatlumpung porsiyento (30%) ng mga ibinebentang isda sa mga palengke sa Metro Manila ay galing sa Laguna Lake
Nais ng Pangulong Duterte na maging eco-tourism area ang Laguna Lake, kung kaya inatasan nito si DENR Sec. Gina Lopez na ayusin ang ukol dito katuwang ang BFAR.
Courtesy: Jet Hilario