(Eagle News) — Mahigit 75 libong public school teacher ang nakatakdang kunin ang serbisyo ng Department of Education (DepEd).
Ito ay matapos bigyan ng go- signal ng Department of Budget and Management (DBM) ang DepEd na punan ang kabuuang 75,252 teaching position para sa upcoming school year.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang mga nasabing teaching positions ay para sa Kindergarten/Elementary, Junior High School, at Senior High School para sa School Year 2018-2019.
Alinsunod ito sa kahilingan ng DepEd na matugunan ang kakulangan sa bilang ng teaching personnel sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Matatandaang 553.31 billion pesos ang ibinigay na pondo sa DepEd ngayong taon mas mataas kumpara sa nakalipas na taon.