(Eagle News) — Binuksan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang action center sa pagsisimula ng klase ngayong araw, Hunyo 4.
Ito ay upang tumanggap ng reklamo at panawagan sa unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Maaaring tumawag ang mga kinauukulan sa hotline ng DepEd sa mga sumusunod na numero upang maipaabot ang reklamo ng publiko.
DepEd action center hotlines
Cellphone number: 0919-4560027
Telephone numbers:
638-7529
638-7530
638-7531
635-9817
Maaari ring iparating reklamo at panawagan sa kanilang email: action@deped.gov.ph
Binabantayan rin ng DepEd ang kanilang mga social media account para sa mga reklamong ipadadala ng publiko sa kanilang ahensya..
Naghahanda na rin ang ahensya sa pagsususpinde ng mga klase sa panahon ng mga kalamidad.