(Eagle News) — Nakatanggap ng computer monitor at health kits ang Department of Education (DepEd) para sa mga mag-aaral ng Marawi.
Ito ay bilang suporta nila sa inisyatibo ng DepEd sa ginagawang rehabilitasyon sa nasabing lungsod.
Nagkaloob ang isang electronics company ng mga computer monitor at health kit sa 46 na paaralan sa lugar.
Ayon sa DepEd, makakatulong ito sa pagpapatupad ng DepEd National Computerization Program na proyekto sa mga mag-aaral sa lungsod.
https://youtu.be/W7IlG_Q10ZI