(Eagle News) — Hindi dapat na makumpromiso ang kaalaman ng mga estudyante ang tungkol sa kanilang pinagmulan habang kanilang pinalalago ang pagiging global citizen.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahalaga na hindi dapat maging hadlang ang pagtuturo ng karunungan sa mga kabataan upang mapalago ang kanilang pagiging global citizen.
Aniya, dapat na hindi mawala sa isipan ng mga mag-aaral ang lokal na lenguwahe, kasaysayan, kultura at iba pang pagkakakilanlan habang sila ay tinuturuan ng ibang lenguwahe o kultura.
“Even as we enhance, as we strengthen our capacity for the usage of English, we should not forget our individual languages, our dialect, and our culture because these make us what we are as a people,” pahayag ni Briones sa katatapos lamang na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Council of Teachers (ACT) + 1 Convention.
Dagdag pa ni Briones, malaki ang maitutulong ng mga guro upang mapanatili ang local roots ng mga mag-aaral.
“We need to focus on the role of teachers in achieving these goals,” ayon sa opisyal. “But at the same time, while we think global, we cannot let go of our history, our culture, our own legal systems, and our own store of memories which will inspire us to move forward,” dagdag pahayag ni Briones.
https://youtu.be/2Gor_b0EnKI