DepEd, tiniyak na may confidentiality ang gagawing random drug-test para sa mga estudyante

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa mga mambabatas na hindi magagamit sa pagsasampa ng kaso laban sa mga menor de edad ang gagawing random drug-testing sa mga mag-aaral sa pampuliko at pribadong paaralan.

Ayon sa kalihim, ang gagawing random drug test ay upang malaman kung gaano na katindi ang problema sa droga sa mga paaralan at magawan ito ng agarang solusyon.

Nilinaw ni Briones na ang Department Order No. 40 na naglalaman ng guidelines sa gagawing random drug-test ay walang kinalaman sa  anti-illegal drug operations ng pulisya.

Dagdag pa ni Briones, ang pagkalat ng droga sa mga paaralan ay isang health matter kaya nakipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa Department of Health (DOH) para sa pagsasagawa ng random drug test.

https://www.youtube.com/watch?v=2GvSZFweH3k&feature=youtu.be