Deployment ban, posibleng palawigin hanggang Saudi Arabia – DOLE

MANILA, Philippines (Eagle News) — Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang deployment ban sa iba pang bansa sa Middle East na may mataas na kaso ng pag-abuso at pag-maltrato sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posible nilang palawigin ang deployment ban kung mabibigo ang ibang bansa na palakasin ang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa.

Partikular na tinukoy ng kalihim ang Saudi Arabia kung saan nakagawian nang ipasa sa ibang amo ang kanilang mga kasambahay na tinatawag na Kafala system.

Ayon kay Bello, ang pagbabawal sa Kafala ang isa sa mga probisyon na gusto ng pamahalaan na mapasama sa kasunduan na isinusulong sa Kuwait.

Sa ilalim ng Kafala o sponsorship system, ang arabo na employer ng OFW ang may kontrol sa galaw nito.
Hindi rin pinapayagan na makalipat ng ibang employer ang OFW hanggang walang permiso ang kanyang amo.

Related Post

This website uses cookies.