Desisyon ng SC kay CGMA, inaantabayanan

Ito ay kuha noong Oktubre 25  2006 kung saan makikita ang Philippine Supreme Court building sa Manila. AFP PHOTO

(Eagle News) — Nakaantabay lang umano ang Sandiganbayan sa posibleng pagpapalabas ng desisyon ng Korte Suprema ukol sa petisyong ‘house arrest’ ni dating pangulo at Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa harap ito ng mga ulat na magpapalabas ngayong araw ang supreme court ng kanilang ruling sa nasabing petisyon ng kampo ni Ginang Arroyo.

Maging ang kampo ng kongresista ay nakaabang din sa magiging desisyon ng Korte Suprema ukol sa kaniyang inihaing petisyon para sa house arrest.

Sa text message ng isa sa mga abugado ni Ginang Arroyo na si Attorney Larry Gadon ay sinabi nito na wala pa silang ideya kung ano ang gagawin ng Supreme Court kung papayagan o ibabasura ang house arrest o kaya naman ay magpatawag muna ng ‘oral argument’.

Ayon kay Gadon, nasa kamay na ng Korte Suprema ang desisyon at wala pa silang solidong impormasyon ukol dito.

Una rito, hiniling ng dating pangulo na resolbahin na ng Supreme Court ang kaniyang inihaing ‘urgent motion for house arrest’ dahil hindi umano nakakatulong sa kaniyang paggaling ang patuloy na pananatili sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) simula pa noong 2012.

Si Ginang Arroyo ay nahaharap sa kasong ‘plunder’ sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y maanomaliyang paggastos sa ‘intelligence fund’ ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) noong 2008 hanggang 2010.

 

Eagle News Service Eden Suarez-Santos

Related Post

This website uses cookies.