Detalye sa rehabilitasyon at maintenance ng MRT-3, naisapinal na

(Eagle News) – Isinapinal na ng mga kinatawan ng Pilipinas at Japan ang detalye sa rehabilitasyon at maintenance ng MRT-3 na popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa pagtataya aabot sa Php16.985 bilyon ang magagastos para sa rehabilitasyon ng Mass Rail System.

Ang project appraisal ay isinagawa sa pamamagitan ng technical discussion sa pagitan ng DOTr at ng Japan International Cooperation Agency noong nakaraang linggo.

Saklaw ng rehabilitasyon ang mga bagon, power supply system, radio system, CCTV system, public address system at signaling system.

Isasalang din sa rehabilitasyon ang rail tracks, road rail vehicles, depot equipment, elevators, escalators at iba pang station building equipment.

Tinatayang tatagal ng 43 buwan ang overall rehabilitation ng MRT-3.

Samantala, nakatakda na sa susunod na buwan ang formal pledge ng Japan.

Related Post

This website uses cookies.