Malakas ka bang humilik sa tuwing ika’y natutulog? O di naman kaya ay hindi makatulog ang iyong katabi sa lakas ng iyong hilik?
Alam nyo ba na hindi basta-basta ang ganitong kalagayan, dahil ayon sa mga eksperto ang mga taong humihilik sa habang natutulog ay mayroong seryosong karamdaman sa katawan.
Dahil dito, nakaimbento ang mga technologist sa Israel ng device na makatutulong sa inyong mga partner o mga mahal sa buhay na humihilik.
Itoy tinawag na silent partner, ang device na maaaring makaligtas sa mga taong humihilik..
Ang nose patch na ito ay ginagamitan ng active cancellation na kahalintulad sa technology sa headphones na maaaring takpan ang sound of engine noise.
Sa Physics, tinatawag itong antiphase, kung saan ang dalawang sound waves ay naka-aligned sa defined zone at tinatanggal ito..
Ang silent partner na ito ay maaaring makapagpatahimik ng hilik ng 15-20 decibels na magreresulta ng mas mahinang tunog, habang ang iba naman ay wala nang maririning.
Ang device na ito ay pinapagana ng DA13 hearing aid batteries na maaaring i-charge sa pamamagitan ng micro USB at maaari nang tumagal ng isang buong gabi.