MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang consular services ngayong holiday season.
Sarado ang consular offices ng DFA sa ika-25, ika-26 at ika-30 ng Disyembre, at sa ika-1 at ika-2 ng Enero 2018.
Sarado rin ang ilang consular office sa Butuan City at Iloilo City sa ika-23 ng Disyembre. Sa Tacloban naman ay sarado din ito sa ika-20 ng Disyembre hanggang sa ika-31 ng DIsyembre.
Wala rin aniyang passport online appointment slot at lahat ng walk-in applicant ay maaaring mag-tungo sa consular offices bago o pagkatapos ng mga nasabing petsa.