DFA magbibigay ng P5,000 cash assistance sa OFWs na naapektuhan ng NAIA runway closure

(Eagle News) — Tatanggap ng Php 5,000 na cash assistance ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na naapektuhan ang flight sa pansamantalang pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, maaaring mag-avail ang mga OFW ng financial assistance simula ngayong Miyerkules, Agosto 22 hanggang Biyernes, Agosto 24.

Maaari itong pakinabangan ng mga oFW na ilang araw nang stranded sa NAIA matapos magdulot ng matinding perwisyo ang pagsadsad sa main runway ng eroplano ng Xiamen Airlines.

Samantala, tiniyak din ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod ang tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga istranded na OFW.

Related Post

This website uses cookies.